Isang Makapigil Hiningang Panalo
We started strong & we ended strong. In the end we prevailed with a 2-point winning margin at 76-74.
Malakas yung first 5 namin, powerhouse sa ilalim, sina Matt, Ymbeth at Ernie ang nasa frontline, si Ariel at Nico (Papa Doms) naman ang nasa back court position. Sinimulan namin ang 8 to zero rally, medyo bumagal kami after ma-injure si Ymbeth at mag-init si Matt dahil sa matinding tulakan sa ilalim. Natapos ang first quarter na 1 point lang ang lamang namin.
Sinimulan namin ang 2nd quarter with a small yet fast line-up (Deks, Ernie, Carlo, Donald & Alan), pero kinapos ito sa malalaki at malalakas na line-up ng kalaban, we were down by 8 points at the end of the second quarter. Third quarter dominated pa rin nila ang game, medyo ok na ang sprain ni Ymbeth kaya nagamit na rin namin siya, we kept in bay until the end of the 3rd quarter, Barangay Pasaway with 9 point lead at the end of the quarter. Napigilan naman ang muntik ng mag-spark na away, nasahod si Matt on his way down, we decided to keep him on the bench para hindi na lalong uminit ang laban.
Lumaki ang lamang nila at 13 mid-way of the 4th quarter, inilagay ko na ang pandiin ko, maganda sana ang opensa, di lang namin na-exploit ang kanilang penalty situation, sobrang sama ng aming free-throw percentage, less than 25% lang siguro ang na-shoot namin. Last 3 minutes when I instructed my men to trap & do a man-to-man defense and it pays. Na-rattle ang kalaban, we’ve forced a lot of turn-overs. With 16 seconds left, lamang ng 1 ang kalaban, tinawagan ng travelling ang isang player nila, to his frustration, inihagis niya ang bola palayo to which the referee called as a technical foul for delaying the game. Nico (Doms) made both free-throws, lamang kami ng isa, nagmadali ang kalaban at nagbigay kami ng foul, sa free-throw line na-shoot ang unang tira, mintis ang ikalawa, nakuha ni Ernie ang bola, with 10 seconds left on the clock, he immediately passed the ball to Ymbeth na nagbigay naman ng bola kay Nico (Doms) with enough time to make the final basket.
Nico (Doms) made the final basket which gave us a 2-point lead at the end of regulations. Masaya ang tropa, surprised ang kalaban sa spirit na ipinakita ng aming team.
Congrats and hope that we keep the winning spirit.
- The Group, Sports | Time: 6:55 am (UTC+8) Comments (3)
