April 29, 2006

Klasmeyts Lumahok sa Da’awah Basketball Tournament

Nagbukas kagabi ang 1st All-Filipino Basketball tounament na sponsored ng Al-Jubail Da’awah & Guidance Center.  Kasama sa 16 na teams ang aming koponan, dating m’yembro pa rin at dating uniporme pa rin ang aming ginamit (dahil walang makuhang manager).

The Basketball Team

Ang laro ay ginaganap sa Jubail Sports Center (mas kilala sa pangalang Al-Ta’aloof) t’wing Linggo, Martes, Huwebes at Biyernes.

Ang mga koponan na kalahok ay:

  1. Red Bull Barako
  2. Inma Steel
  3. Batang Big Brothers
  4. Al-Suwaidi
  5. Al-Mouwasat Hospital
  6. Tasnee
  7. Saudi Bin Laden
  8. GM Hummer
  9. Jubail Da’awah
  10. SFCCL
  11. Anak Sug
  12. Barangay Pasaway
  13. Filcom
  14. Sea Shore Restaurant
  15. Jubail Warriors
  16. Klasmeyts

Hinati ang mga koponan sa 4 na grupo at napabilang kami sa Group B, kasama ng Barangay Pasaway, Sea Shore Restaurant at Saudi Bin Laden (Red Scorpions).

Umaasa kami na mas mahihigitan namin ang aming performance noong nakaraang JUBA Conference.

April 27, 2006

The Klasmeyts Blog

Welcome to klasmeyts at Blogsome.

Kami po ang Klasmeyts at inaanyayahan namin kayong dalawin kaming palagi sa blog na ito.  Maaring may nagtatanong kung sino ba kami?  Mga simpleng tao lang na pinagka-isa ng pagkaka-ibigan, chatting, internet, basketball, darts at kung ano pang pwedeng pagkalibangan dito Saudi.

Nanggaling kami sa iisang kompanya, naging isang basketball team at nanatili ang pagka-kaibigan bagama’t hindi na magkakasama sa isang kompanya.  Subaybayan ang aming paglalakbay.